Ang Kabataan ay Mahalaga Tungkol sa amin Kontak Eskuwelahang Sunday Mga programang VBS AkingUMA: Pagsasanaym
Simulan ang inyong klase habang kumakanta ng makabagong awitin habang sumasayaw. I-download ang mga awitin mula sa aming website, at pagaralan ang mga tinuturong aksyon o sayaw na sa video ay inyong makikita
Para sa masayang dula-dulaan kada linggo, maaring maging dalawa ang pagkatao ng dalawang aktor linggo-linggo: Sila Wise Willie at Foolish Fred. (Ang kanilang pangngalan ay maaaring palitan.) Maunang ipakita muna ang leksyon, at palawakin ang mga ideya sa drama upang tumugma sa mga paggagamitan nga leksyon at buksan ang mga mata ng mga bata upang makita nila ang kanilang mga sarili sa mga storya ng bibliya. Gamit ang dalawang magkaparehas ng aktor kada linggo, ay makakatulong na makapagbigay buhay sa mga drama at gawing mas masaya ang manunuod habang kanilang nakikilala sina Wise Willie at Foolish Fred. Gumawa ng damit para sa kanila na madaling isuot at ihubad. (Sumbrero lamang o kaya’y salamin sa mata.)
Matapos mong ituro ang leksyon, tumungo naman sa storya ng bibliya. Maaring tingnan ang mga sulatin sa bibliya upang mabuo ang kwento nito, sapagkat ito’y hindi kumpletong nakahain sa manual. Pagkatapos aralin ang storya ng bibliya, siguraduhin na nakasama ang pangunahing leksyon na may aplikasyon sa tunay na buhay. SA dulo ng leksyon, basahin ang berso na minememorya at idasal ito kasabay ang iyong mga estudyante.
Ipamahagi angg mga libro ng estudyante o kaya ay mga xerox ng kada pahina ng leksyon. Tulungan ang mga magaaral na nahihirapan sa pag solba ng palaisipan dahil ang mga libro ng linggo ay dapat hindi gaanong mahirap, datapwat ito’y dapat masaya. Pwede mo ring payagan na mag dikit ang mga estudyante ng mga bagay sa kada pahina. Para sa mga nakababatang magaaral, kahit ano ay pwede nilang ilagay sa kanilang kulayang libro, tulad ng kanin, bulak, noodles o kaya’y pintura. Para naman sa mga nakakatandang magaaral, payagan silang gumawa ng talaarawan, magdikit ng mga tiket, pera or barya, plupo o kaya’y iba pang mga bagay na makakapagalala ng kanilang takdang aralin.
Wala sa ating ang magiging kampyon sa pagpunta sa misa o pag aral lamang ng bibliya, dapat ay ISABUHAY natin ito! Hikayatin ang iyong mga estudyante na ISABUHAY ang bibliya gamit ang mga natatangiang takdang aralin.
Tingnan ang marami pang impormasyon sa "In the Ring" na pahina.
Ang mga laro sa programang ito ay para sa pagkatuto ng mga bersong memorya kada linggo. Gamitin ang mga larong bigay, o kaya’y payagan ang mga estudyante na pumili ng paboritong laro na lalaruin kada linggo. Humanda bago ang lahat at mga gagamitin sa bawat laro.
May tatlong tanong na ibinigay sa bawat leksyon upang makaprovoke ng diskusyon sa iyong mga mag-aaral. Ang mga ito’y para sa mga batang edad 13-15, ngunit pupwede rin itong ipakita sa iba pang edad at makita kung may diskusyong magaganap. Ang ideya nito ay upang makapagisip-isip ang mga mag-aaral. Upang ito ay gumana, importanteng huwag muna ibigay ang mga sagot sa tanong. Dahil sa tuwing mas pinagaawayan nila ito, mas nakakapagisip sila ng matindi at mas magiging magaling ang iyong pagtuturo. Kung may nabuong usapin na kanilang pinaglalabanang maigi, Ika’y tunay na nagtuturo ng tama! Kung halos lahat ay napunta lamang sa iisang gilid ng argumento, manghimasok na at magbigay ng kaunting detalye sa kabilang gilid neto.<
Ipamahagi ang attendance reward card, ang card na ito ay magtataglay ng resulta ng mga laban. Hikayatin ang iyong mga estudyante na umattend araw-araw upang makarami ng card na ito! Ang mga card na ito ay madali lamang idownload at makita. Pwede mo ring gamitin ang mga card na ito upang maglaro ng mga pampamemorya, habang punagtutugma ang mga nagawa.