Warning: include_once(../analyticstracking.php): failed to open stream: No such file or directory in /hermes/bosnacweb09/bosnacweb09ay/b2512/ipw.pro-vism/public_html/InternationalWebsite/filipino/camels/theme-header.php on line 69

Warning: include_once(): Failed opening '../analyticstracking.php' for inclusion (include_path='.:/usr/share/php') in /hermes/bosnacweb09/bosnacweb09ay/b2512/ipw.pro-vism/public_html/InternationalWebsite/filipino/camels/theme-header.php on line 69
 

Pakikipagsapalarang Kamelyo

Malugod na pagbati sa “Mga Pakikipagsapalarang Kamelyo,” isang bago at kapana-panabik na programa ng VBS! Dalhin ang mga anak niyo sa isang masukal na pakikipagsapalaran kasama ang mga kamelyo at mga emperyo habang natututunan nating matapang na sundan ang Diyos sa gitna ng masamang mundo, kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa kanilang pagkabihag. Sa programang ito, susundan natin ang buhay ni Daniel at kanyang mga kaibigang sina Shadrach, Meshach, at Abednego. Si Reyna Ester ay darating din bilang panauhin sa inyong VBS sa aralin 4.
Sa bawat araw nitong VBS, magugustuhang makikilala ng mga bata ang mga nakakatuwang kamelyo (mga papet o mga aktor) na may modernong panlasa mula sa tunay na buhay. Masiyahan sa mga orihinal na kanta na pinalalakas ang tema nitong VBS. Turuan ang mga bata ng nakakatuwang mga aksyong kaakibat ng pamagat ng aralin at ulit-ulitin sa buong aralin at sa buong araw. Gumawa ng mga nakatutuwang likhang-sining sa mga istasyon ng likhang-sining sa loob ng Emperyo, gamit ang mga mumurahing materyales na madaling mahanap o madaling halinhan mula sa kahit saan sa mundo. Sa klase sa loob ng Palasyo, masisiyahan ang mga bata sa pagsagot ng mga kumplikadong pasikot-sikot at magkakaibang palaisipan. Ang nakatatandang mga mag-aaral ay may pagkakataong mag-isip ng mga isyu sa tunay na buhay na ayon sa aralin, at magkakaroon ang lahat ng munting arawang takdang-aralin upang maisabuhay ang mga aralin. Iibigin ng mga batang makilala sina Daniel at Ester at mapakinggan ang mga kwentong-Biblia mula mismo sa kanila, at gumawa ng mga interesadong gawain sa mga pagsasadula sa istasyon ni Daniel. Siyempre, walang makukumpletong VBS kung walang laro! Maghanap ng mga laro at mga opsyonal na nakakatuwang ideyang pangmerienda sa Mga Laro sa Hardin at istasyon ng Hapag ng Maharlika. Huwag kalimutang siyasatin ang mga karagdagang ideya upang palamutian ang iyong VBS at gawin itong mas masaya!